Neighbor News
Talunin ang Cyberbully: Kung Paano Makakatulong Ang Mga Magulang
An article written in Tagalog for our Filipino Neighbors.
Talunin ang Cyberbully: Kung Paano Makakatulong Ang Mga Magulang
Habang ang remote learning sa panahon ng COVID-19 pandemic ay nagpababa ng naiulat na mga kaso ng bullying, natatakot naman ang mga magulang na, ang pagbabalik sa paaralan para sa ilang mga estudyante ay nangangahulugan na muling ma-bully.
"Ang bullying ay isang bagay na inaaalala namin, lalo na sa umpisa ng bagong taon ng klase," sabi ni Zury Bourque na may dalawang anak na taga Cypress, Texas.
Find out what's happening in Arlingtonfor free with the latest updates from Patch.
Ngayon ay 15 mga taon na ang nakalipas mula ng magsimula ang National Bullying Prevention Month noong Oktubre, ang higit na pag-iral ng teknolohiya sa buhay ng mga kabataan ay nagbigay ng bagong pagkakataon sa bullying. Sa pamamagitan ng isang click, ang mga cyberbully ay kayang manuya, manggulo at magbanta ng walang tigil, o kahit sa pamamagitan ng pag-abot sa kanilang tahanan gamit ang cellphone o computer. Bilang resulta, ang mga biktima ay nakadarama ng kawalang pag-asa, pagbubukod sa sarili, at kahit ang tangkang magpatiwakal.
Ano ang magagawa ng mga magulang upang maprotektahan ang kanilang mga anak? Ang pagpapakita nila ng interes sa kanilang mga anak kapag sila ay nasa online ay makakatulong, sabi ng National Parent Teacher Association.
Find out what's happening in Arlingtonfor free with the latest updates from Patch.
Ang pagbibigay-pansin ay hindi naman nangangahulugang ang mga magulang ay kinakailangang maging mga eksperto sa teknolohiya. Kundi, ang federal website na stopbullying.gov ay nagpapayo sa mga magulang na bantayan ang mga tusong palatandaan na nagsasabing may bagay na mali, katulad ng pag-iwas ng bata, pagtatago ng computer screen kapag may nakakakita sa kanila o pagiging emosyonal.
Para kay Zury Bourque at sa kaniyang asawang si Chris, nangangahulugan ito ng pagiging mas alerto kung ano ang "normal" para sa kanilang dalawang anak na bata, mga edad 12 at 10.
"Napakahalaga na malaman ang mood ng aking mga anak dahil kaya kong mapansin ang pagbabago ng kanilang mga personalidad na maaaring magsabing may nangyayari," sabi ni Chris.
Ang malayang pakikipag-usap sa mga bata — at madalas — ay tumutulong din. "Habang malimit na ipinapakipag-usap sa inyong mga anak ang tungkol sa bullying, mas komportable nilang sasabihin ito sa inyo kung nakikita nila o nararanasan ito," sabi ng UNICEF sa online tips for parents.
Habang papalapit sa pagkatinedyer ang dalawa nilang anak na babae, nalaman ng mga magulang na taga Houston na sina Thiago at Auboni Cordolino na ang mas kaunting salita at matamang pakikinig ang pinakamabisa. "Sinubukan naming magpokus sa pagiging madaling lapitan at pakikinig ng aktibo nang walang reaksiyon," sabi ni Thiago.
Higit pa sa pakikipag-usap, pakikinig at pagmamasid sa kanilang mga anak, ang mga magulang ay hindi dapat matakot na gumawa at magpatupad ng mga patakaran para sa mga aktibidad sa online, sabi ng mga eksperto.
Pinapayagan ng mga Cordolinos ang kanilang anak na mga babae na maglaro ng mga online game, ngunit inaasahan nilang patayin ang mga live chat upang malimitahan ang pakikipag-ugnayan sa mga hindi nila kakilala. "Tinitiyak namin sa aming mga anak na babae na nagtitiwala kami sa kanila at iginagalang ang kanilang privacy, ngunit kailangan nilang manatili sa loob ng mga hangganan na itinakda namin," sabi ni Auboni.
Ang Bourques ay gumawa rin ng katulad na paraan. "Hindi namin laging minamatyagan ang aming mga anak na lalaki, pinapanood ang bawat galaw nila, ngunit gumagamit kami ng isang app para malaman namin kung gaano karaming oras ang ginugugol nila sa kanilang mga tablet," sabi ni Zury.
Binanggit ng parehong pamilya ang mga tip at paalaala na isinasaalang-alang nila kasama ang kanilang mga anak mula sa libreng mapagkukunan ng impormasyon gamit ang jw.org, ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova.
Inirerekomenda lalo ng isa sa mga anak na lalaki ni Borques ang isa sa mga maikling animated na video ng site, "Talunin ang Bully Nang Hindi Nakikipag-away."
"Natutuhan ko na kung ikaw ay binu-bully, dapat kang tumawag sa isang taong mapagkakatiwalaan mo, tulad ng mga magulang, punong-guro o tagapayo," aniya. "Maaari silang mamagitan sa sitwasyon at pigilan ito."